106 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19; Isa nasawi

Nasa 106 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (August 16), 32,464 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,970 ang aktibo pang kaso.

93 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 30,402 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 92 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...