Pumalo na sa 207.99 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 207,995,805 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 37,466,718 cases.
Sumunod na rito ang India na may 32,225,513 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 20,364,099 naman ang kaso sa Brazil habang 6,600,836 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,471,035
– United Kingdom – 6,267,437
– Turkey – 6,078,653
– Argentina – 5,084,635
– Colombia – 4,867,761
– Spain – 4,693,540
– Italy – 4,440,669
– Iran – 4,425,821
– Indonesia – 3,854,354
– Germany – 3,828,263
– Mexico – 3,101,266
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,374,961 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 186,466,822 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.