Mayor Isko Moreno, nakararanas ng mild na ubo, sipon at pananakit ng katawan

Manila PIO photo

Nakararanas ng mild na ubo, sipon at pananakit ng katawan si Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay matapos magpositibo si Mayor Isko sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital, naka-confine si Mayor Isko sa naturang ospital.

Mild COVID-19 disease lamang aniya ang tumama kay Mayor Isko.

Wala namang lagnat na nararanasan ang alkalde.

“He has no fever. His RTPCR test result turned out positive. Lab tests were taken, and the initial findings of his chest CT Scan result is normal. Our clinical impression: He has a mild covid disease. Presently, he is maintained on oral anti-biotics and vitamins as supplements. He is stable comfortable and sleeping well,” pahayag ni Padilla.

Samantala, patuloy namang nagpapagaling si Vice Mayor Honey Lacuna na una na ring nagpositibo sa COVID-19.

Kahit na nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang pinuno ng Maynila, tiniyak ng mga ito na tuloy ang serbisyo sa gitna ng pandemya.

Read more...