Implementasyon ng health protocols, paiigtingin matapos makapagtala ng unang Lambda variant sa bansa

Photo grab from PCOO Facebook video

Hihigpitan pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng health protocols sa bansa kontra COVID-19.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa bansa ang COVID-19 Lambda variant.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na babaguhin ng pamahalaan ang istratehiya sa pagsugpo sa pandemya bagkus ay paiigtingin lamang ang implementasyon ng health protocols.

Ito ay ang pagsusuot ng mask, palaging paghuhugas ng kamay at physical distancing na isang metro.

Paiigtingin din ng pamahalaan ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa DOH, isang 35-anyos na babae ang nagpositibo sa Lambda variant pero gumaling na ito.

Read more...