Ibinahagi ni dating Senator Sonny Trillanes IV na isang Magdalo member ang namatay kahapon dahil sa COVID 19.
Pagdidiin niya wala siyang sisihin kundi ang administrasyong-Duterte maging sa pagkamatay ng libo-libo pang Filipino dahil sa nakakamatay na sakit.
Aniya ito ay dahil sa kapalpakan at korapsyon na nangyayari sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
Inisa-isa din ng dating senador ang mga kabiguan ng gobyerno, una na ang ang kakulangan sa ventilators at oxygen tanks kasabay ng pagdami ng mga kaso, gayundin ang mga kapalpakan sa dapat na maagang pagbili ng mga bakuna.
Nandiyan din aniya ang kabiguan na magpatupad ng polisiya para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID 19, maging ang kabuguan na pangalagaan ng husto ang medical frontliners.