Sinabi ni Go na patunay lang ito ng patuloy na pagtupad ng administrasyong-Duterte na maitaas ang kalidad at maging abot-kaya para sa lahat ang serbisyo-medikal ng gobyerno sa lahat ng panig ng bansa.
May Malasakit Center na sa Maguindanao Provincial Hospital at Cotabato Sanitarium sa Maguindanao; Sulu Provincial Hospital sa Jolo; Datu Halun Sakilan Memorial Hospital sa Tawi-Tawi; Pakpak Medical Center sa Marawi City; at Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.
Ibinahagi ng senador na base sa kanyang obserbasyon na maging sa mga pampublikong ospital sa bansa, maituturing pa rin na kakaunti ang nabibigyan ng serbisyo na mga tunay na naghihirap sa buhay.
Aniya kaya isinulong niya na maging ganap na batas ang Malasakit Center Act ay upang mabawasan na ang intindihin ng mga mahihirap na kailangan ma-confine sa mga ospital sa pamamagitan ng pagbibigay tulong-pinansiyal sa kanila ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.