Vice presidential bid ni Sen. Bongbong Marcos, inindorso ng isang FPJ group

Bongbong PR
Photo Release

Inindorso ng isang grupo ng namayapang Fernando Poe Jr. ang kandidatura ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagka-bise presidente.

Ayon sa Partidong Bayan ang Bida (PBB) regional head Butch Cagsawan, kaisa nila si Marcos sa dbokasiya at perspektibo na may paninindigan at malasakit sa mahihirap.

Si Marcos aniya ay isang lider na nagtatrabaho ng tapat at walang pinapaboran kahit mga kalaban sa pulitika.

Sinabi rin ni Cagsawan si Marcos ay isang tunay na public servant at pag-asa ng bayan.

Binubuo ang PBB ng mga miyembro ng grupong FPJ for President Movement (FPJPM) na tumulong sa pagtakbo sa pagkapangulo ng namayapang movie icon noong taong 2004.

Samantala, nagpasalamat naman si Marcos sa ginawang pag-endorso sa kanya ng grupo.

“Ako po ay hindi lang nangangampanya para sa aking kandidatura kundi sa isang kilusan ng pagkakaisa ng bawat Pilipino. Itong pagkakaisa natin ay kailangang-kailangan ng ating bansa dahil tingnan ninyo kung saan tayo dinala ng sobrang pamumulitika na tayo ay pinag-aaway at pinagkakawatak-watak.” ani Marcos.

Read more...