Sa kanyang campaign rally sa Tabaco City sa Albay, humingi siya ng suporta sa paglaban sa kahirapan na kinakaharap ng bansa ngayon.
Kung mahahalal na bagong pangulo, tiniyak ni Binay na ipagpapatuloy niya ang anti-poverty programs na kanyang sinimulan noong siya pa ang alkalde ng Makati sa buong bansa.
Ani Binay, sa Makati walang namamatay na mahirap dahil sa sakit at kahirapan at ipinangako niya na mangyayari ito sa buong bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“Maipagmamalaki ko sa inyo na sa Makati, walang namamatay na mahirap dahil sa sakit at dahil sa kahirapan. Wala po iyon. Iyon po ang aking ipinapangakong gagawin ko sa inyo.” pahayag ni Binay.
Kasabay nito, sinabi rin ni Binay na nirerespeto niya ang buhay ng bawat tao at binibigyan ng dignidad ang kababaihan.
Aabot sa sampung libong supporters ang dumalo sa campaign rally ni Binay sa Tabaco City, Albay.