Deadline ng filing ng SALN, ipinaalala ng Ombudsman sa lahat ng mga kawani at opisyal ng gobyerno

conchita-carpio-moralesPinaalalahanan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang lahat ng government officials at employees na mag-file na ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN hanggang sa April 30 na deadline para sa taong 2015.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, Section 8(a) ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, sinasaad nito na ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay kailangang mag-file ng kanilang SALNs sa loob ng 30 araw bago o hanggang April 30 ng bawat taon.

Exempted naman sa filing ng SALN ang mga tauhan ng gobyerno na may honorary capacity, laborers at casual o temporary workers.

Ang SALN ay deklarasyon under oath ng mga yaman at ari-arian ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan, asawa at anak na single na may 18 years old pababa na kasama pa nitong naninirahan sa kanilang bahay.

Read more...