Pagpapatayo ng sabungan at pasugalan sa Manila Zoo ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila, ibinunyag

Alfred Lim
Kuha ni Erwin Aguilon

Ibinunyag ngayon ni dating Manila Mayor Alfredo Lim ang plano ng pamahalaang lungsod ng Maynila na magtayo ng pasugalan at sabungan sa loob ng Manila Zoo.

Sa isang press conference, sinabi ni Lim na base sa nilagdaang joint venture agreement sa pagitan ni Manila Mayor Joseph Estrada at Metropolitan Zoo and Botanical Park, Inc magtatayo ng sabungan, pasugalan, events center, hotel, sports coliseum sa anim na ektaryang lupa na kinatatayuan ng Manila Zoo.

Ayon kay Lim, sa pinasok na kasunduan ni Erap P200,000 lamang kada buwan ang kikitain ng lungsod ng Maynila.

Bukod dito, pinagpapaliwanag din ni Lim si Erap kung saan napunta ang kalahating bilyong pisong intelligence at confidential funds ng Office of the Mayor mula nang ito ay umupo bilang alkalde ng Maynila samantalang noong panahon niya bilang alkalde ay isandaang milyong piso lamang ito kada taon.

Tinuligsa rin nito ang pagtaas ng real property tax sa lungsod na aabot sa 150% base sa ordinansang ipinasa ng City Council noong 2014.

Read more...