Senate investigation sa P67 bilyong pondo ng DOH, sisimulan na sa August 18

Aarangkada na sa August 18 ang pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa obserbasyon ng Commission on Audit na may pagkukulang ang Department of Health sa paggamit sa P67.32 bilyong COVID fund.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng blue ribbon committee, magsisimula ang virtual public hearing ng 11:00 ng umaga.

Unang tanong ni Gordon sa DOH, bakit hindi ginagastos ang pondong inilaan para sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya sa COVID-19.

Bubusisiin din ni Gordon ang mga nag-expired na gamot sa DOH.

Paglilinaw ni Gordon, hindi naman sa naghahanap siya ng masisisi kundi aayusin lamang ang problema upang matiyak na maayos na natutugunan ang pandemya.

Una rito, naghain ng resolusyon sina Senador Grace Poe at Minority Franklin Drilon para paimbestigahan ang panibagong kontrobersiya sa DOH.

 

Read more...