Ayon kay Robes, dahil sa pag-iral ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Kalakhang Maynila, pansamantalang sarado ang mga field office ng Comelec kaya hindi makapagpa-rehistro ang mga tao.
Dagdag ni Robes, bagama’t tuloy ang voter registration sa ibang panig ng bansa ay hindi naman makalabas ng bahay ang mga tao dahil sa takot sa Delta variant ng COVID-19.
Dahil dito, sinabi ng mambabatas na marapat na pag-isipan ng Comelec na i-extend ang September 30 deadline para sa voter registration, at sabayan ng iba pang mga paraan upang mas maraming Pilipino ang makapagpa-rehistro.
Nais din ng lady solon na pahabain ng Comelec ang oras ng pagpaparehistro mula sa 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon upang mas marami ang makapagpa-rehistrong botante.
Iginiit din ni Robes na kailangan pa rin ang mahigpit na pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa COVID-19.