Sinabi pa ni Pimentel na hindi na rin miyembro ng PCM si Pacquiao dahil nagbitiw na ito nang sumanib sa PDP – Laban.
Paliwanag pa niya, nakasaad sa PDP – Laban constitution na hindi naman ipinagbabawal na maging miyembro ng isang regional political party ang kanilang mga miyembro.
Aniya, ang mga tao na nagpapalutang na maaring patalsikin sa PDP -Laban si Pacquiao ay hindi naman na miyembro ng kanilang partido kayat hindi nila kinikilala.
Diin ng senador, nais lang nilang guluhin si Pacquiao sa paghahanda nito sa kanyang nalalapit na laban sa Las Vegas, Nevada.
“This is the first time that a group of Filipinos, because of politics, has organized an effort meant to distract our Pambansang Kamao while he fights in the boxing ring to bring additional honor to our country. How unpatriotic of this group of politicians!,” sumbat ni Pimentel.