Senate Blue Ribbon Committee, bubusisiin ang ‘anomalya’ sa paggamit ng DOH ng COVID-19 fund

Joel Villanueva Facebook

Tiniyak ni Senator Joel Villanueva na sasama ang pinamumunuan niyang Committee on Labor sa gagawing pag-aaral ng Blue Ribbon Committee sa mga naging obserbasyon ng Commission on Audit (COA) sa paggamit ng Department of Health (DOH) sa inilaan sa kanilang COVID 19 fund.

Ayon kay Villanueva, ang kanyang partisipasyon sa pulong ay sesentro sa hindi pagbibigay ng mga benepisyo sa medical workers.

Labis na nadismaya ang senador ng malaman na may pondo naman ngunit hindi naibigay sa medical workers.

“Nagpatulog ng salapi ang DOH. Imbis na ipinambili ng mga makina tulad ng ventilator at x-ray machines o ibinahagi sa inyong mga frontliners. This is unacceptable,” diin ni Villanueva.

Panawagan niya sa DOH, ipaliwanag nang husto ang hindi pagbibigay ng mga benepisyo sa mga health workers.

Panawagan naman niya sa Department of Labor and Employment (DOLE), tiyaking napapangalagaan ang kapakanan ng private healthcare workers at naibibigay din ang mga benepisyo para sa kanila.

Read more...