Uniform vaccination certificate, ikakasa ng Metro Manila LGUs

Valenzuela City government photo

Nagkasundo ang 17 mayors ng Metro Manila na magkaroon ng uniform vaccination certificate para sa lahat ng kanilang fully vaccinated na mamamayan.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na may koordinasyon na ang kanilang information technology experts para sa pag-download ng mga kinakailangang impormasyon at listahan ng mga nabakunahan sa Department of Information and Communication Technology (DICT).

Aniya, target ng Metro Manila Council (MMC) na matapos ang paggawa ng unified vaccination certificate bago matapos ang buwan ng Agosto.

Ayon kay Olivarez, napakahalaga ng sertipiko sa mga nagbabalak na bumiyahe sa labas ng bansa.

Sa ngayon, kinakailangan ng mga nais lumabas ng Pilipinas ng International Certificate of Vaccination o ang tinatawag na yellow card mula sa Bureau of Quarantine.

Samantala, sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na agad niyang sinuportahan ang pagpapalabas ng unified vaccination certificate.

Sa ngayon aniya ay QR coded ang kanilang vaccine cards.

Read more...