Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (August 13), pumalo na sa 1,713,302 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 96,395 o 5.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 13,177 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
95.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.0 porsyento ang asymptomatic; 0.97 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 0.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 299 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 29,838 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,322 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,587,069 o 92.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.