Pondo sa cash aid para sa senior citizens sa Maynila, pirmado na ni Mayor Moreno

Pinirmahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pondo para sa cash assistance na ibibigay sa mga senior citizen sa bahagi ng District 4, araw ng Biyernes (August 13).

Aabot sa kabuuang P71,688,500 ang inilaang pondo para sa tulong-pinansiyal.

Bawat senior citizen ay makakatanggap ng P3,000 base sa pondong inilaan para sa buwan ng Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo at Hunyo sa taong 2021.

Katumbas ito ng tig-P500 kada buwan.

Read more...