Ayon kay DPWH – NCR Director Eric Ayapana, isasagawa ang road rehabilitation works sa dalawang section ng EDSA sakop ang southbound direction mula sa Benin Street, ikatlong lane mula sa sidewalk sa Caloocan City; at northbound direction bago ang Ayala Tunnel, pangalawang lane mula sa sidewalk sa Makati City.
Binigyan ng clearance ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naturang aktibidad.
Magsisimula ito bandang 11:00, Biyernes ng gabi (August 13) at muling bubuksan sa 5:00, Lunes ng madaling-araw (August 16).
Dahil sa inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko, inabisuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.