‘Natatakot sa posibleng panalo ni Mayor Rodrigo Duterte sa eleksyon, marami na’ -PNoy

rodrigo-duterteAminado si Pangulong Noynoy Aquino na marami na ang natatakot sa pag-angat sa mga survey ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Katunayan, sinabi ng pangulo na pinagagawan sa kanya ng paraan kung paano mapipigilan ang pinangangambahang pagpalit nito sa kanya sa Malakanyang o di kaya ay pangunahan ang laban sakaling umabuso ito sa kapangyarihan.

Ang pangamba lang ni PNoy, baka hindi na siya bigyan ng pagkakataon ng kampo ng sinasabi nitong presidentiable na makaporma at bigla na lamang siyang mawala dahil isa siyang banta sa kanila.

Ayon pa kay pangulo, mentalidad ng tinutukoy niyang kandidato ay siya lang ang masusunod, pananaw niya lang ang tama, lahat nang hindi sumunod sa kanya ay dapat na maghanda.

Ito rin aniya ang kandidato na palaging may inaaway at binago ang pangako dati na wawakasan ang kriminalidad sa bansa mula tatlo hanggang anim na buwan pero ngayon ay babawasan na lamang.

Hindi rin pinaligtas ng pangulo ang isa pang kandidato sa pagka bise presidente na si Sen. Bongbong Marcos na lumalamang rin sa mga survey.

Ayon kay pangulo tama ba na manguna sa survey ang isang taong walang nakikitang dahilan para humingi ng tawad sa nagawa ng kanyang pamilya sa bansa.

Read more...