Paliwanag ng anti-graft court, napagpasyahan nila na resolbahin muna ang motion for reconsideration o MR na inihain ni Mendoza laban sa naunang ruling na may probable cause para dinggin ang kaso ng gobernadora.
Noong isang araw, nag isyu na ang Sandiganbayan ng Hold Departure Order o HDO para hindi makalabas ng bansa si Mendoza.
Siya ay nahaharap sa kasong graft dahil sa umano’y illegal procurement ng diesel fuel na nagkakahalaga ng 2.4 million pesos mula sa gasoline station na pag aari ng kanyang ina noong 2010, nang walang public bidding.
Sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, inaprubahan ni Mendoza ang pag-release ng naturang halaga na mula sa pondo ng lalawigan para bayaran ang 49,526.72 liters ng krudo na ginamit sa isang road grader at apat na dump trucks para sa two-day road rehabilitation projects.
Naging kontrobersyal din si Mendoza dahil sa madugong dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan na ikinamatay ng hindi bababa sa tatlong magsasaka.