Pagbibitiw ni Budget Secretary Wendel Avisado tinanggap na ni Pangulong Duterte

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Budget Secretary Wendel Avisado.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, medical reasons ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Avisado.

Itinalaga aniya ng Pangulo si Undersecretary Tina Rose Marie Canda bilang officer-in-charge ng DBM.

“President Duterte has accepted Secretary Wendel Avisado’s resignation due to medical reasons and designated Undersecretary Tina Rose Marie Canda as OIC,” pahayag ni Roque.

Nag-medical leave si Avisado noong August 2 hanggang 13 matapos tamaan ng COVID-19 at sumailalim sa pagsusuri.

 

Read more...