Travel ban sa 10 bansa pinalawig pa

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel restriction sa 10 bansa na may mataas na kaso ng COVID-19 Deta variant.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na patuloy na pairalin ang travel restriction sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula August 16 hanggang 31, 2021.

Matatapos sana ang travel restrictions sa August 15, 2021 subalit pinalawig pa ito ng dalawang linggo.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 627 na kaso na ng Delta variant ang naitala sa Pilipinas.

Read more...