Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City isasailalim sa MECQ
By: Chona Yu
- 3 years ago
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duteete ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang quarantine restrictions sa Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City.
Mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) isasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang tatlong nabanggit na lugar mula August 16 hanggang 31, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili naman ang ECQ sa National Capital Region hanggang August 20, 2021.
Nasa ECQ rin ang Bataan hanggang August 22, 2021.
Samantala, nasa MECQ mula August 16 hanggang 31, 2021 ang Apayao; Ilocos Norte; Bulacan; Cavite, Lucena City, at Rizal sa Region 4-A; Aklan, at Iloilo Province sa Region 6, at Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Cebu City sa Region 7.
Nasa GCQ with heightened restrictions mula August 16 hanggang 31, 2021 ang Ilocos Sur; Cagayan; Quezon at Batangas sa Region 4-A at Naga City, Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6; at Negros Oriental at Cebu sa Visayas; Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro sa Region 11 at Butuan City sa Mindanao.
Nasa GCQ mula August 13 hanggang 31, 2021ang Tarlac.
Nasa GCQ mula August 16 hanggang 31, 2021 ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region 2; at Puerto Princesa sa Luzon; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) classification ang natitirang bahagi ng bansa mula August 16 hanggang 31, 2021.