Suporta hindi ayuda ang ibigay sa medical frontliners – Sen. Gordon

Iginigiit ni Senator Richard Gordon na dapat ay binibigyan ng angkop na mga benepisyo ang lahat healthcare workers sa bansa.

Aniya maaring ang ibigay ay active hazard duty pay (AHDP), gayundin ang special risk allowance (SRA).

“There should be no distinction between government healthcare workers and those working in private hospitals. Ibigay dapat sa inyo ang para sa inyo. Nasa batas iyan na dapat mayroon kayong justified support, hindi ayuda,” sabi nito.

Ipinunto na sa kabila ng nagpapatuloy at tumitindi pang banta ng COVID 19, isinasakripisyo ng mga healthcare workers ang kanilang personal na kaligtasan at kalusugan para magligtas at mag-alaga ng kapwa.

“Hindi lang naman kayo exposed kundi pati ang pamilya ninyo. Mahirap magtrabaho kung hindi naman kayo pinagmamalasakitan. Common sense na lang. Kung mawawala kayo, sino na ang mag-aalaga sa mga Pilipino?” diin niya.

Paalala niya, nakasaad sa Bayanihan to Recover as One Act, na ang mga kuwalipikadong medical workers at dapat tumanggap ng COVID 19 hazard pay at SRA.

Read more...