BREAKING: Naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas, lagpas 1.70-M na; 12,439 ang nadagdag

Pumalo sa 12,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (August 12), pumalo na sa 1,700,363 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 87,663 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 12,439 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

95.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.2 porsyento ang asymptomatic; 1.18 porsyento ang moderate; 1.5 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 165 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 29,539 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,090 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,583,161 o 93.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...