Pangulong Duterte, pinababayaran na ang utang ng PhilHealth

Inatasan ng Palasyo ng Malakanyang si PhilHealth president Dante Gierran na bayaran na ang utang ng ahensya sa mga pribadong ospital.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magreklamo ang mga pribadong ospital sa hindi nababayarang utang ng PhilHealth.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, makailang beses nang pinagsabihan si Gierran na bayaran ang utang.

Ang problema lang kasi ay naubusan aniya ng pondo ang PhilHealth para bayaran ang mga gamit at gamot ng mga pasyente.

Sinabi pa ni Roque na hindi naman maaring paulit-ulit na pagsabihan si Gierra pero wala namang nangyayari.

Ayon kay Roque, hindi na niya hihintayin na ipatawag pa ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga taga-PhilHealth para pagpaliwanagin.

Read more...