Mayor Moreno, inihalal bilang presidente ng Aksyon Demokratiko

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Inihalal na bilang presidente ng Aksyon Demokratiko si Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay matapos lumipat ng bakod si Moreno mula sa National Unity Organization noong Huwebes.

Ayon kay Ernest Ramel, chairperson ng partido, malinis ang track record ni Mayor Isko.

Maraming accomplishment na aniya na nagawa si Mayor Isko.

Bukod dito, sinabi ni Ramel na magkapareho ang layunin ni Mayor Isko at Aksyon Demokratiko na maisayos ang bansa.

Kumpiyansa si Ramel na maisusulong ni Mayor Isko ang layunin ng partido na maging unifying force sa gitna ng tumitinding away sa mundo ng pulitika.

Isa ang pangalan ni Mayor Isko sa mga matunog na posibleng kumandidatong pangulo ng bansa sa 2022 presidential elections.

Read more...