Kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa PNP, halos 32,000 na

Nasa 146 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (August 12), 31,933 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,868 ang aktibo pang kaso.

90 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 29,977 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 88 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...