Lagpas 4.33 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,337,548 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 635,219.
Sumunod na rito ang Brazil na may 566,013 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 429,702 naman ang death toll sa India habang 246,203 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 197,146
– Russia – 167,241
– United Kingdom – 130,607
– Italy – 128,304
– Colombia – 122,953
– France – 112,410
– Indonesia – 112,198
– Argentina – 108,388
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 205,540,374 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 184,543,428 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.