Mga Filipino na lalabas ng bansa bibigyan ng WHO health card

Pinayuhan ni National Task Force on COVID 19 ang mga overseas Filipino workers (OFWs) maging ang mga lalabas ng bansa na dumaan sa Bureau of Quarantine para makakuha ng World Health yellow card.

Ang bilin na ito ng NTF COVID 19 ay base sa mga reklamo na ang vaccination card na ibinibigay ng mga lokal na pamahalaan sa mga nabakunahan ay hindi kinikilala sa Hong Kong.

Sinabi ni NTF deputy chief implementer Vince Dizon ito ang solusyon sa isyu.

Aniya habang wala pa ang unified vaccination ID ay magagamit naman ang WHO yellow card ng mga magtutungo sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Dizon sa kanyang pagkakaalam ay libre ang yellow card at kung may babayaran man ay maliit na halaga lamang.

Read more...