Vaccination drive-thru sa Nayon Pilipino bukas na

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Nagsimula na ang operasyon ng drive-thru vaccination sa Nayon Pilipino sa Parañaque City.

Isinalarawan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na ‘world class’ ang pinakabago at karagdagang vaccination site.

Sinabi pa nito na paunang 50,000 doses ng Moderna COVID 19 vaccine ang inilaan nila sa Nayon Pilipino vaccination site.

Kaya aniya na magbakuna ng hanggang 15,000 katao kada araw.

Paglilinaw naman niya na ipinagbabawal ang walk-in at ang maari lang mabakunahan ay ang mga nakatanggap ng online appointment mula sa pamahalaang-lungsod ng Parañaque.

Read more...