Dapat dagdagan pa ng gobyerno ang mga hakbang para mawala na ang takot at pagdududa sa bakuna laban sa COVID 19.
Ito ang sinabi ni Sen.Leila de Lima sabay puna sa istratehiya ng gobyerno na paninisi sa mga pasaway sa halip na kumbinsihin ang mga nagdududa o natatakot na pagtiwalaan ang bakuna.
Binanggit nito ang pahayag ng Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential spokesman Harry Roque na bahala na ang COVID 19 sa mga ayaw magpabakuna.
“The government is blatant;y refusing to address vaccine hesitancy. Anti-pasaway kasi ang alam lang nila response, hindi anti-COVID,” diin ng senadora.
Sa huling SWS survey, 32 porsiyento lang ng mga Filipino ang nais magpabakuna at ayon kay de Lima ang isyung ito ang dapat seryosong pagtuunan ng pansin ng gobyerno.
Duda ni de Lima ang pagpapalaki sa isyu sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia ang isa sa mga dahilan kayat natatakot na magpabakuna ang marami pa ring Filipino.