Phivolcs: Mount Pinatubo balik-normal ang kondisyon

 

Mula sa Alert Level 1 ay ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 0 ang kondisyon ng Mount Pinatubo.

 

Ayon sa Phivolcs ang hakbang ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng earthquake activity ng bulkan at normal na ngayon ang lahat.

 

“This means observational parameters have returned to baseline levels and the volcano has returned to a period of quiescence,” dagdag pa ng ahensiya.

 

Nabatid na nakapagtala na lang ang Phivolcs ng kabuuang 104 pagyanig mula noong Hulyo 1 hanggang nitong Agosto 1.

 

Bumaba na rin ang antas ng carbon dioxide na nagmumula sa Pinatubo Crater Lake, indikasyon na bumaba na ang magma degassing.

 

Gayunpaman, paalala ng Phivolcs  kinakailangan pa rin ng ibayong pag-iingat sa pagpasok sa bibig ng bulkan dahil sa posibleng pagkakaroon ng rockfalls, landslides at paglabas ng carbon dioxide.

Read more...