Online database ng ‘No Contact Apprehension’ ng MMDA, inihirit ni Senate bet Francis Tolentino

Francis Tolentino 3 editedNananawagan si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa Metropolitan Manila Development Authority na gumawa ng isang online database kaugnay sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension policy.

Ayon kay Tolentino, ito ay para mas mapadali at hindi pagdudahan ang panghuhuli ng MMDA sa mga motorista gamit ang security cameras.

Sinabi nito na mas maganda kung magiging available agad para sa mga motorista ang detalye ng kanilang violation.

Sa kanyang isinusulong na database, sinabi ni Tolentino na dapat nakalagay ang plate number, ang nilabag na batas trapiko, petsa at oras ng paglabag.

Pinuri naman ni Tolentino ang bagong polisiya na ito ng MMDA dahil layon nitong mabawasan ang build-up ng mga sasakyan at maiiwas sa korapsiyon ang mga traffic enforcers.

Magugunita na sa pamumuno ni Tolentino sa MMDA, mas naging moderno at digital ang ahensiya sa pamamagitan ng MMDA navigator app, Twitter at Facebook.

Kaya’t aniya maganda na nagagamit ng MMDA ang mga teknolohiya para mas accessible sa publiko ang mga programa ng ahensiya.

Read more...