Bata nasawi sa sunog sa Taguig

fire-defaultIsang bata ang nasawi habang isa pa ang nasugatan sa naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay Tuktukan, Taguig City.

Kinilala ng Taguig City BFP ang nasawing biktima na si Christine Noces.

Aabot naman sa 200 na bahay na pawang yari sa light materials ang naabo sa nasabing sunog na umabot sa ikalimang alarma.

Nagsimula ang sunog pasado hating-gabi kanina sa bahay ng isang Benjie Hernan at idineklarang fire out bago mag alas dos ng madaling araw.

Nasa 300 pamilya naman ang naapektuhan ng sunog kung saan aabot sa P300,000.00 na halaga ng ari-arian ang iniwang pinsala nito.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog.

Read more...