Isa na namang taxi, na-carnap sa Quezon City

taxi-genericNanginginig pa nang magsumbong sa Kamuning Police Station sa Quezon City ang driver ng JEM CID taxi na kinarnap diumano sa kanya madaling araw kanina.

Kuwento ng biktima na si JC Almasan, sumakay ng Katipunan Avenue ang nag-iisang salarin nang pagsapit ng North Avenue tinutukan siya ng baril at pilit na pinababa.

Natangay ang lahat ng kinita sa buong magdamag ng biktima kasama ang pinapasadang taxi unit.

Naaalarma naman ng QC Police sa serye ng insidente ng holdap-carnap sa mga taxi na kadalasang ginagamit din ng mga sindikato sa kanilang criminal activities sa kalakhang Maynila.

Read more...