Mga APOR na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, malapit nang umabot sa 500,000

Halos 500,000 na agad ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong August 10, nasa 62,092 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 11,804 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 47,187 sa MRT-3 habang 3,946 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 452,092 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Read more...