FDA, inaprubahan ang EUA ng Hayat-Vax COVID-19 vaccine

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng Hayat-Vax COVID-19 vaccine na gawa sa United Arab Emirates (UAE).

Kinumpirma ito ni FDA Director-General Eric Domingo kasunod ng pagdating ng naturang bakuna na donasyon ng UAE government.

Sinabi ni Domingo na ang naturang bakuna ay pareho lamang sa Sinopharm vaccine mula sa China na kabilang sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO).

Maari aniyang maibigay ang naturang bakuna sa mga may edad 18 pataas.

Dumating ang 100,000 doses ng naturang bakuna sa Pilipinas, Miyerkules ng hapon (August 11).

Nakatakdang ipamahagi ang mga bakuna sa mga lugar na nakararanas ng COVID-19 surge.

Read more...