VP Leni Robredo, fully vaccinated na laban COVID-19

Photo credit: VP Leni Gerona Robredo/Facebook

Fully vaccinated na si Vice President Leni Robredo laban sa COVID-19.

Batay sa Facebook post, naturukan na ng second dose ng AstraZeneca vaccine si Robredo sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City, araw ng Miyerkules (August 11).

Kasama ni Robredo sa pagbabakuna ang iba pang empleyado ng Office of the Vice President (OVP) na kabilang sa A3 priority group.

Ayon kay Robredo, “Napakabait ng mga nag aasikaso na mga from QC LGU, Doctors, Nurses, Teachers, other volunteers.”

Tulad noong unang pagturok sa kaniya ng bakuna, maging mabilis at maayos aniya ang sistema.

Natapos aniya sila sa pagbabakuna sa loob lamang ng 30 minuto.

Read more...