Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (August 11), pumalo na sa 1,688,040 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 81,399 o 4.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 12,021 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
94.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.5 porsyento ang asymptomatic; 1.15 porsyento ang moderate; 1.6 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 154 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 29,374 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 9,591 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,577,267 o 93.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.