114 pang pulis, tinamaan ng COVID-19; Isa nasawi

Nasa 114 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (August 11), 31,799 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,812 ang aktibo pang kaso.

77 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 29,899 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 88 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...