Nakakuha si Mayor Sara ng 25.4 porsyentong boto mula sa respondents habang pumangalawa si dating Senador Bongbong Marcos na mayrong 17.7 porsyento.
Nasa ikatlo hanggang ikalimang pwesto sina Manila City Mayor Isko Moreno (11.2 porsyento), Senator Grace Poe (10 porsyento at Senator Manny Pacquiao (10 porsyento).
Habang nasa pang-anim na pwesto si Vice President Leni Robredo (8.3 porsyento).
Narito ang iba pang pangalan na lumitaw sa survey:
– Senator Bong Go
– Senator Panfilo Lacson
– Dating Vice President Jejomar Binay
– Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano
– Former Senator Antonio Trillanes
– Senator Richard Gordon
– Dating SC Justice Antonio Carpio
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 7,500 respondents sa 37 barangay sa Metro Manila at 263 barangay sa mga lalawigan mula July 24 hanggang July 31.