Lagpas 4.31 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,316,412 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 633,799.
Sumunod na rito ang Brazil na may 563,707 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 428,715 naman ang death toll sa India habang 244,690 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 197,029
– Russia – 165,650
– United Kingdom – 130,357
– Italy – 128,242
– Colombia – 122,601
– France – 112,288
– Indonesia – 108,571
– Argentina – 107,961
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 204,156,758 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 183,349,734 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.