Pagkuha ng lisensya ng mga medical oxygen manufacture pinamamadali ni Pangulong Duterte

Pinadadagdagan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilang ng mga manufacturer ng medical oxygen sa bansa.

Pahayag ito ng Pangulo matapos tumaas ang demand ng oxygen dahil sa pandemya sa COVID-19.

Utos ng Pangulo sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan, agad na bigyan ng lisensya kapag mayroong manufacturer na kukuha ng permiso para gumawa ng mga medical oxygen.

Ikinukunsidera rin ng Pangulo na humirit sa Kongreso na bigyan ng tax relief ang mga manufacturer ng medical oxygen dahil sa malaking tulong na ginagampanan para matugunan ang pandemya.

Base sa talaan, sinabi ni Food and Drug Administration chief Eric Domingo na mayroong 81 na registered na medical oxygen manufacturers sa buong bansa.

 

Read more...