Bangkay ng tatlong sundalo na nasawi sa C-130 crash sa Sulu nakilala na

Contributed photo

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines ang pagkakakilanlan ng tatlong sundalo na kasamang nasawi sa bumagsak na C-130 sa Sulu noong July 4.

Ayon sa AFP, ito ay sina Corporal Jemmar B. Mondido, Private First Class Lester Al T. Lagrada at Private First Class Bensheen V. Sabaduquia.

Ayon sa AFP, naabisuhan na ang pamilya ng tatlo.

Inaayos na rin ngayon ng AFP ang paghahatid sa mga bangkay sa kani-kanilang pamilya.

Una rito, nakilala na ng AFP ang 40 sundalo na nasawi sa aksidente.

Nagpaabot ng pakikiramay ang AFP sa mga nauililang pamilya.

 

Read more...