Mayor Isko Moreno wala pang natatanggap na abiso mula sa Malakanyang na nagtatanggal ng kapangyarihan para sa cash aid distribution

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na hindi siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang mayor sa Metro Manila ang tinanggalan ng kapangyarihan sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda.

Ayon kay Mayor Isko, wala pa namang abiso mula sa Palasyo na nagsasabing hindi siya ang mangangasiwa sa pinansyal na ayuda at ibibigay na lamang sa Department of the Interior and Local Government at Department of Social Welfare and Development.

Sa Talk to the People ng Pangulo kagabi, sinabi nito na mayroong isang mayor sa Metro Manila ang kanyang tinanggalan ng kapangyarihan na mamahagi ng ayuda dahil hindi marunong mag-organisa ng cash aid distribution.

Bilang tugon, ipinakita ni Mayor Isko ang Certificate of Recognition mula sa DILG na nagsasabing efficient aat napapanahon ang pamamahgi ng ayuda sa kabila ng pandemya sa COVID-19.

Mayroong petsa na June 30, 2021 ang Certificate of Recognition mula sa DILG.

Matatandaang binanatan na noon ni Pangulong Duterte si Mayor Isko matapos bahain at maulanan ang mga nakapila na magpabakuna kontra COVID-19.

Isa rin sa mga lumulutang na posibleng kumandidato sa pagkapangulo ng bansa sa susunod na taon sina Mayor Isko at anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.

 

Read more...