FDA: Pagbakuna sa mga bata, kabataan dagdag 12M – 14M bakuna

Karagdagang 12 milyon hanggang 14 milyon ang kailangan bakunahan sa bansa kapag ipipilit na mabakunahan na rin ang mga menor de edad.

 

Ito ang sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Sec. Gen. Eric Domingo kaugnay sa binabalak na pagpababakuna na rin ng mga nasa edad 12 hanggang 17.

 

Paliwanag niya maituturing na ‘bata’ ang populasyon ng Piipinas kaya maaring abutin pa ng 14 milyon ang target na mabakunahan sa bansa.

 

“Kung halimbawa magdadagdag tayo ng 12 to 17 year old, then that would be an additional maybe 12 to 14 million,”sabi nito.

 

Ipinunto din nito na sa ngayon tanging ang Pfizer lamang ang inaprubahan nila na maiturok sa mga edad 12 pataas.

 

Aniya ang bakuna na gawa ng Pfizer ang itinuturok na sa mga batang populasyon sa US at Europe.

 

Unang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na may plano na para bakunahan ang mga menor de edad sa bansa at aniya maaring masimulan ito sa huling linggo ng susunod na buwan.

 

Read more...