Pagbabakuna sa Tanza, Cavite pansamantalang itigil; Ilang empleyado ng vaccine team, nagpositibo sa COVID-19

Pansamantalang itinigil ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa Tanza, Cavite.

Kasunod ito ng kumpirmasyon na nagpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng vaccination team sa nasabing lugar.

Sa video na ibinahagi ni Mayor Yuri Pacumio, sinabi ni Municipal Health Officer Dr. Ruth Punzalan na ilan sa mga nagpositibo ay isinailalim na sa isolation.

Nagkaroon na aniya ng mass swabbing sa lahat ng empleyado ng munisipyo, health center, at maging ng vaccination team.

Nagsasagawa na rin aniya ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong miyembro ng vaccination team.

Sinabi ni Dr. Punzalan na titiyaking sasailalim din sa quarantine period ang mga close contact ng bagong COVID-19 positive cases.

Posible aniyang ituloy ang vaccination sa araw ng Huwebes o oras na maging maayos na ang lahat.

Read more...