Bilang ng APORs na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, higit 389,000 na

Umaarangkada pa rin ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa railway lines.

Sa datos noong August 9, nasa 58,524 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 11,389 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 43,432 sa MRT-3 habang 3,703 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 389,155 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Read more...