Sens. Sotto, Lacson itinuro si VP Leni na humirit ng ‘unification talk’

Sa pagka-asar sa mga naglalabasang komento sa social media, itinuro na ni Senate President Vicente Sotto III si Vice President Leni Robredo na siyang nag-imbita para mapag-usapan ang pagsasanib ng kanilang puwersa para sa 2022 national elections.

 

Sa kanyang twitter account, ipinakita pa ni Sotto ang text message mula sa kanyang staff para patunayan na si Robredo ang humiling na sila ay makapag-usap nina Sen. Panfilo Lacson para konsultahin sila sa posibilidad na isang tiket ng dalawang puwersa para sa padating na halalan.

 

“She also says that the candidate need not be her as the victory and the unity of ticket for her is paramount,” ang mensahe pa diumano ni Robredo sa kampo ni Sotto.

 

Inamin ni Sotto na inilabas niya ang mensahe dahil sa pagka-asar sa mga lumalabas sa social media na sila ni Lacson ang lumapit kay Robredo.

 

“Kino-contact yung mga chiefs of staff namin kung pwede kaming magkaroon ng meeting. Ang initiative nanggaling kay Vice President Leni contrary dun sa mga ibang nanggugulo na sinabing, presumptuous daw ako, na nag-approach ako kay Vice President Leni,” sabi ni Sotto sa isang panayam.

 

Samantala, si Lacson sinabing si Robredo ang humiling na makapag-usap silang tatlo sa kagustuhan ng huli na magkasanib ang kanilang puwersa.

 

Nabatid na ang pulong ay nangyari sa isang hotel sa Metro Manila noong Hulyo 21.

 

 

Read more...